Thursday, March 4, 2010

Pagsagip sa OPM




Isang kadahilanan din ang mga Local Artists at mga Produsyer nito.
Kung walang Local Artists, walang Produsyer at kung walang Produsyer walang ring Local Artists. Ang dalawa ay mga napakahalagang salik sa Industriya ng musika. Upang mapangalagaan ang industriya ng musika sa Pilipinas. Itinatag ang Organisasyon ng Pipinong Mang-aawit(OPM) at Performers Rights’ Society of the Philippines(PRSP). Nilalayon ng mga grupong ito na palaguin at pangalagaan ang karaptan ng mga Filipino Artists sa bansa. Alinsunod sa ipinalabas na Excutive Order no. 225 na nag-oobliga sa pagbo-brodkast ng hindi bababa sa apat(4) na Filipino Music kada oras sa mga istasyon ng radyo at sa gayong batas ay maiiwasan ang patuloy na pagbagsak ng produksyon ng Musikang Pilipino.

Ang OPM ay may mga pangunahing layunin:
1. Pagtatatag ng mga tuntunin para sa paglago ng industriya ng OPM
2. Paninigurado na ang mga tuntunin ay naiisakatuparan
3. Paninigurado na ang mga miyembro ay sapat na nasusuportahan sa pamamagitan ng legal na mga usapin at sapat na pagsasanay sa mga propesyonal.
4. Ang pagtuloy na promosyon ng mga local na mang-aawit at orihinal na Pilipinong komposisyon at,
5. Patuloy na promosyon sa pagkakakilanlan ng mga Pilipinong mang await at kanta sa Pandaigdigang larangan.
Isang malaking tulong ang mga batas at pakikisangkot ng Gobyerno sa pangangalaga ng Industriya ng Pilipinong Musika.

No comments:

Post a Comment