Tuesday, March 2, 2010

Ang Kalagayan ng Pilipinong musika
Pebrero 24,2010
Ralph Joshua Rivera
Jean Louise Garen
Isaiah Ruallo





Likas ang pagmamahal ng bawat tao sa kultura at gayon din sa musika. Ito ay pangkalahatang katangian ng bawat nasyon sa buong mundo. Ang musika ay isang tanda ng ebolusyon ng tao simla pa noong matuto itong mamuhay. Isa itong salamin ng buhay,karanasan at kultura ng isang indibidwal. Sa paglipas ng panahon ang musika ay nabago at nahati sa ibat ibang kategorya at uri na tinatawag na “Genre” at naging bahagi na ng pang araw-araw na buhay. Bilang isang nilalang, tunay na malayo na ang narating ng tao lalo na sa larangan ng musika.

Musika at Kasysayan
Pinaniniwalaang bago pa man narating ng mga Espanyol ang pilipinas ay mayroon na tayong sariling kultura ng musika. Ito ang “Indigenous Music” na nagmula sa ating mga katutubong Pilipino partikular sa Luzon at ilang bahagi ng Mindanao. Ginagamit nila ang musika sa maraming paraan; sa mga Kasalan, Pagaalay at Ritwal. Paggamit ng Gitara,Gong,Kudyapi, ilan lamang iyan sa mga katutubong instrumentong ginagamit nila. Nang sumapit ang ika-15 siglo ay dumating ang mga dayuhan na nagbigay daan sa malawakang pakikisangkot ng bansa sa pandaigdigang komersyo. Ito ay nagresulta sa paglapag ng ibat ibang kultura sa bansa partikular ang mga kanluraning kultura. Isa ang musika sa mga nadagdagan at naimpluwensyahan sa pagdating nila. Mula sa mga simpleng tunog ay nahaluan ito ng ibat ibang tunog. Natuto rin silang gumamit ng mga makabagong instrumento.
Lalong napalawig ang kakayahan ng Pilipino sa larangan ng musika at lalong nadagdagan ang uri ng mga kanta at tunog sa bansa.
Bunga ng mahabang transisyon ng musika sa bansa, nagsimulang lumabas ang classical,rock and roll,hiphop at pop music. Doon nagsimula ang OPM o Original Pilipino Music. Ang OPM ay mga kantang Pilipino na isinulat at kinanta ng mga pilipinong mang awit. Itoy naglalaman ng mga damdamin,kaisipan at diwang makapilipino na may lirikong puno ng kabuluhan. Ito’y kadalasang may tema ng pag-ibig, karanasan , kapaligiran o rebolusyon. Pumatok sa mga tagapakinig ang OPM noong 1970’s hanggang kalagitnaan ng 1990’s. Lumabas ang Pinoy Rock na lalong nagpataas sa kasikatan ng OPM. Pinangunahan ito ng “Juan Dela Cruz band” at Maria Cafra”. Isa sila sa mga sinaunang Rock bands sa pilipinas. Nasundan ito ng pagyabong ng iba pang Genre sa bansa. Sumikat ang Apo hiking society,Eraserheads,VST at sumikat ng husto sina Fredie Aguilar,Rey Valera,Jose Mari Chan,Nora Aunor, at Pilita Corales. Sa kaslukuyang panahon, sina Ogie Alcasid,Ryan Cayabyab,Regine Velasquez at Noel Cabangon ay iilan lamang sa mga tagapagtaguyod ng OPM ngayon sa bansa.Nagkamit sila ng ilang parangal at umani ng karangalan hindi lang sa loob ng bansa kundi sa ibang bansa din.


Ang Modernong Musika

Para sa modernong Pilipino, hindi na maiiaalis ang musika sa pang araw-araw niyang pamumuhay. Ano na nga ba ang kalagayan ng musika natin ngayon? Dahil sa mabilis at kapansin-pansing pagbabago nito, lalong naging progresibo at produktibo ito. Mula sa mga panahon ng plaka at cassette tapes ay naglabasan ang mga modernong gamitang katas ng teknolohiya. Mga mp3, ipod ,internet at mga makabagong instrumento. Mga
Ilang kadahilanan kung bakit maraming nakakapag produce ng OPM. Hindi maikukubli ang epekto nito sa industriya ng musikang Pilipino.
Sa kabila ng pag unlad ng OPM sa bansa, nagdulot din ito ng tunggalian sa mga tagapakinig nang sumapit ang taong 2000’s.Biglang pumatok at sumikat ang mga dayuhang kanta at artista tulad ng mga boybands na Back street boys, Westlife at A1. Nagsimula ang pagbaba ng porsyento ng mga nakikining ng OPM at tumaas ng husto ang pamamayagpag ng mga dayuhang kanta. Isang dahilan maituturing ang komersyalismo sa musika. Ayon dito,nakakapasok ang mga dayuhang produkto dahil sa mataas na demand ng mga Pilipino sa dayuhang musika. Dahil doon ay patuloy na natatabunan ang OPM. Sa kasagsagan ng problema ay biglang nagsulputan naman ang mga Revival na kanta. Dumami ang nag eere ng mga Asian-Novela at Mexican-Novela na lalong nagpalubha sa kolonyal na mentalidad ng mga Pilipino. Ang iba pa nga ay lantarang tinatagalog ang ibang sikat na foreign songs. Mahihinuha ang mga dahilang ito noong mga panahon ng pananakop. Bakas pa rin sa atin ang iniwang mentalidad ng mga kolonyalistang mananakop. Ang negatibong pagpapatuloy ng “Colonial Mentality” sa bansa.

No comments:

Post a Comment